Tuesday, May 14, 2013

Reaksyon sa Eleksyon 2013

Hindi ko alam kung dapat akong matuwa sa mga naging resulta ng eleksyon. Hindi ako sigurado kung ganito ba talaga ang sistema ng eleksyon sa Pinas. Hindi ko alam kung talaga bang ganito ang binoto ng mamamayan o baka napilitan lang. Hindi kaya binili yung boto nila? Hindi kaya dun nasusukat ang kakayahan ng mga kandidato?

Nakakatakot isipin kung ito na talaga yung binoto ng mamamayan. Paulit-ulit nalang bang ganito pag eleksyon? Alam na nila na hindi dapat political dynasty ang maging itsura ng pamahalaan, pero sige pa rin sila sa pagboto ng mga pare-parehong apelyido. Mga apelyidong hindi na bago sa tao, pero kilala ba nila yung pangalan? Bakit ganun? Bakit nagtitiwala nalang ang mga tao sa mga kilalang apelyido? Wala pang sapat na karanasan pero pasok sa Top Five sa Senatorial Elections? Wala pang napatunayan sa bansa, pero kung makaasta parang kaya niyang isuko ang buhay niya para sa bansa?

Ganito ba ang eleksyon sa Pinas? o Ganito ba kabobo ang mga Pilipino? Ganito nalang ba ang kawalan ng dignidad sa pagpapabili ng kanilang boto? o Ganito lang ba karumi ang kadayaan sa eleksyon?

Hindi ko alam kung anong sagot diyan. Pero bilang isang mamamayan, at bilang unang beses na bumoto, dapat kong gawin ang tungkulin ko sa bayan. Hindi ako dapat mapagod bumoto kung sino ang sa tingin kong karapat-dapat sa puwesto. Kahit na ilang beses ko na makita ang maruming eleksyon, hindi ako dapat mapagod gawin ang tama. Kung ang lahat ganito ang naiisip, tiyak maraming magbabago at hindi mapupunta sa di dapat ang puwesto ng isang tagapaglingkod sa bayan.

No comments:

Post a Comment